Paglalarawan
Sa Google Go, mas magaan at mabilis ang paghahanap. Dahil optimized ang search results, makakatipid ka ng hanggang 40% sa mobile data.
Mabilis at maaasahan ang Google Go, kahit na mabagal ang internet o maliit ang space ng telepono mo. 12MB lang ang app size kaya mabilis siyang i-download. Makakatipid ka rin ng space sa telepono.
Hindi na kailangang mag-type nang mag-type. Mas mabilis maghanap gamit ang Google Go dahil pwede kang mag-tap lang para malaman ang trending questions at topics. Pwede ka ring maghanap gamit ang pananalita kaysa ang pagta-type.
Lahat ng kailangan mo sa iisang app. Sa Google Go, madali at mabilis mong mapupuntahan ang mga paboritong apps at websites, pati na rin ang mga images, videos, at impormasyon tungkol sa mga hilig mo. Lahat ng ito, nasa Google Go.
Wag papahuli sa mga sikat at trending. Alamin ang mga pinakabagong trending topic tuwing ita-tap ang “Maghanap.”
Maghanap ng mga larawang pwedeng i-share sa mga kaibigan. I-tap ang “Mga Larawan” at “Mga Gif” para maghanap ng pictures at animations na pwedeng gamitin para maging mas exciting ang usapan sa chat.
Maghanap gamit ang iba’t ibang wika. Pwede kang pumili ng dalawang wika o languages, para mas madaling makakuha ng search results gamit ang mga ito.
Anuman ang hinahanap mo sa internet, mas madali at mas mabilis hanapin ang mga ito gamit ang Google Go!