Paglalarawan
Pagkakataon mo na para magpatakbo ng pinakamagandang pagawaan ng tagagawa. Masiyahan sa karanasang ito sa pagtatayo at patunayan sa iyong sarili na magiging napakahusay mong trabahador sa konstruksyon.
Magagawa mo ang mga aktibidad katulad ng paghuhukay ng lupa, pagtatayo o paggigiba ng mga bahay at gusali, paggawa ng mga produktong kahoy, pagputol ng kahoy, paghinang at iba pang nakakatuwang mga bagay. Gawin kung ano ang utos ng mga bata gamit ang iba't ibang mga materyales, mga kagamitan at mga makina upang makamit ang pinakamagagandang resulta.
• Pagtatrabaho gamit ang kahoy: Angkop na putulin ang kahoy gamit ang iba’t ibang lagari. Gumawa ng upuan, bangko, bakod, bahay ng ibon o bahay ng aso gamit ang martilyo o mga distornilyador. Pakinisin ang bagong produktong kahoy sa pamamagitan ng pagpapakintab o pagpipintura nito.
• Pagtatayo ng gusali: Magtayo ng paupahang bahay o gusali ng negosyo sa tulong ng crane na nakapag-aangat ng mabibigat na bagay. Kapag ang ilang bahagi ay hindi angkop sa uri ng gusali na iyong itinatayo, ilagay sila sa hanay ng pagbubuo at kunin ang tamang bahagi ng gusali.
• Pagtatayo ng bahay: Pumili ng mga kagamitan ng tagapag-ayos at iwasan ang mga laruan at mga kendi sa nakakatuwang Catcher mini-game. Pagkatapos ay magtayo ng bahay sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga bintana, mga pader, pintuan, balkonahe, mga hagdan at bubong para maging bahay ito na pinapangarap.
• Paggiba ng gusali: Minsan ang lumang gusali ay kailangang gibain na para makapagtayo ng bago. Gumamit ng martilyo, pampanday na martilyo, kahon ng TNT at bolang pangwasak. Masisiyahan ka sa paggigiba ng mga gusali sa gitna ng lungsod.
• Paghihinang: Ang mga sira at butas ay kailangang ayusin. Kapag natapos mo na ang pag-bras sa bakal ng pagtatayo o tumatagas na mga tubo sa bahay ng kustomer, huwag kalimutang gumamit ng maskara sa paghihinang bago maghinang!
• Bodega: Napakarami ng nag-oorder sa iyo! Sagutin ang telepono! Gustong mag-order ng mga kustomer ng materyales sa pagtatayo. Sundin ang listahan ng pinamili, gamitin ang fork-lift at kargahan ng trak ng mga kahon.
• Pagpuputol ng troso: Para makakuha ng kahoy sa iyong mga konstruksyon, putulin muna ang troso gamit ang chainsaw o palataw sa Timberman mini-game. Pagkatapos ay ilipat ang lahat ng troso gamit ang crane at putulin ang mga iyon gamit ang lagaring-bilog.
• Lugar ng konstruksyon: Maging pinuno ng lugar sa pagtatayo at ililis ang iyong mga manggas. Para punuin ang mga butas ng lupa, hukayin ang materyales gamit ang panghukay, kunin ang trak para ilipat ito at gamitin ang pison para pantayin ito.
• Arte sa tile: Tanggalin ang lahat ng mga basag na tile gamit ang iba't ibang martilyo, haluin ng tama sa buong sahig para ilapat ang mga bagong tile at lutasin ang palaisipang hayop pansamantala.
Kumpletuhin ang lahat ng nakakatuwang mga hamon at maging pinunong tagapagtayo sa inyong bayan!
Mga tampok:
• madaling gamitin na laro na may angkop na interface para sa mga bata
• maraming mga mini-game at malikhaing mga bagay na maaaring mangyari
• lampas 50 na iba’t ibang kagamitan at mga materyales sa pagtatayo
• maglaro at matuto kung paano ginagawa ang mga bagay
• magagandang graphics at espesyal na mga sound effect
• kumita ng mga barya gamit ang nakakaaliw na mga kagamitan
Ang larong ito ay libreng laruin subalit may mga ilang in-game na mga bagay at mga tampok, pati ang ilan sa mga nabanggit sa pagsasalarawan ng laro, na kinakailangan ng bayad sa pamamagitan ng in-app na mga pagbili na nagkakahalaga ng tunay na pera. Mangyaring suriin ang mga setting ng iyong aparato para sa mas detalyadong mga opsyon patungkol sa mga in-app na mga pagbili.
Ang larong ito ay mayroong mga patalastas ng mga produkto ng Bubadu o ng ilang mga third party kung saan ire-redirect ang mga gumagamit sa amin o sa mga third-party na mga site o app.
Patakaran sa pagkapribado: https://bubadu.com/privacy-policy.shtml
Mga tuntinin ng serbisyo: https://bubadu.com/tos.shtml
Ano ang Bago sa Pinakabagong Bersyon 1.59
- maintenance