Paglalarawan
LIBRENG messaging at video calling app ang WhatsApp from Meta. Ginagamit ito ng higit sa 2B tao sa higit 180 bansa. Simple, reliable at private ito, kaya madali mong makokontak ang mga kaibigan at pamilya mo. Gumagana ang WhatsApp sa mobile at desktop kahit pa sa mabagal na mga connection, nang walang bayarin sa subscription*.
Private messaging sa buong mundo
Encrypted nang magkabilaan ang mga personal mong mensahe at call sa mga kaibigan at pamilya mo. Walang sinuman sa labas ng mga chat mo ang makakabasa o makakarinig sa mga ‘yon, kahit na ang WhatsApp.
Simple at secure na mga connection, kaagad-agad
Phone number mo lang ang kailangan, hindi kailangan ang mga user name o pag-log in. Mabilis mong matitingnan ang mga contact mo na nasa WhatsApp at magsimulang magpadala ng message.
De-kalidad na mga voice at video call
Mag-video at mag-voice call nang secure kasama ang hanggang 8 tao nang libre*. Gumagana ang mga tawag mo sa mga mobile device gamit ang internet service ng iyong telepono, kahit pa sa mabagal na koneksyon.
Mga group chat para manatili kang nakokontak
Manatiling nakakausap ng mga kaibigan at pamilya mo. Dahil encrypted nang magkabilaan ang mga group chat, nakakapag-share ka ng mga message, litrato, video at document sa mobile at desktop.
Manatiling nakokontak nang real time
I-share ang lokasyon mo sa mga nasa individual o group chat mo lang, at ihinto ang pag-share anumang oras. O kaya ay mag-record ng voice message para kumonekta nang mas mabilis.
Mag-share ng daily moments sa Status
Dahil sa Status, nakakapag-share ka ng text, mga litrato, video at mga GIF update na naglalaho pagkatapos ng 24 na oras. Puwede mong piliing mag-share ng mga status post sa lahat ng contact mo o sa mga pinili lang.
Gamitin ang WhatsApp sa Wear OS watch mo para ipagpatuloy ang mga usapan, mag-reply sa mga message, at sumagot ng mga tawag - lahat ng ito sa pulso mo. At gamitin ang mga tile at complication para mabilis na ma-access ang mga chat mo at magpadala ng mga voice message.
*Maaaring may data charges. Kontakin ang iyong provider para sa mga detalye.
---------------------------------------------------------
Kung may anumang feedback o tanong ka, pumunta sa WhatsApp > Mga Setting > Tulong > Kontakin Kami
Ano ang Bago sa Pinakabagong Bersyon
• Puwede ka nang maghanap at mag-follow ng mga Channel para makatanggap ng mga update tungkol sa mga paksang mahalaga sa iyo. I-tap ang tab na ‘Mga Update’ para magsimula.
• Makikita na sa mga notification para sa mga group kung may nag-reply o nag-mention sa iyo
Ilulunsad ang mga bagong feature na ito sa mga darating na linggo. Salamat sa paggamit sa WhatsApp!