Paglalarawan
Kung ikaw ay baguhan, hindi mo kayang ibigay ang isang piyesa, at ipagpalagay mo, syempre, na gusto mong mapabuti ang iyong laro! Ang isa pang hindi mo kayang palampasin ay ang pagkuha sa walang depensang piyesa ng iyong kalaban! Ang kursong ito ay may 1400 na pagsasanay para sa iilang piyesa. Ang dami ng mga pagsasanay ay ang pinakamabuting paraan para mabilis na matuto ang mga baguhan. Ang kursong ito ay para sa mga manlalaro na pamilyar na sa patakaran ng laro. Kahit na bente porsyento lang ang iyong pag-aralan at sagutan sa mga pagsasanay ay siguradong gagaling ka at wala ka nang palalampasing pagkakataon na kunin ang walang depensang piyesa sa iyong tunay na laro! Lahat ng pagsasanay ay kinuha mula sa mga tunay na laro at inayos ayon sa pangalan ng piyesa at antas ng hirap.
Ang kursong ito ay serye ng Pag-aaral ng Chess King (https://learn.chessking.com/), na walang kasing katulad sa pamamaraan ng pagtuturo. Nakapaloob dito ang taktika, stratehiya, panimulang hakbang, kalagitnaan ng laro, at pagtatapos ng laro, sa magkahiwalay na antas mula sa baguhan hanggang sa bihasa at kahit na sa mga propesyonal na manlalaro.
Sa tulong ng kursong ito, mapapahusay mo ang iyong kaalaman sa chess, matutunan ang mga bagong taktika at kombinasyon kalakip na ang kasanayan mula sa nakuhang aral.
Ang programang ito ay kumakatawan bilang tagasanay na nagbibigay ng gawaing dapat lutasin at tumutulong din sa paglutas kung sakaling ikaw ay hindi makausad. Ito ay magbibigay sa iyo ng mungkahi, paliwanag at magpapakita ng di pangkaraniwang pagkontra sa mga pwedeng mangyaring pagkakamali.
Pakinabang ng programa:
♔ Dekalidad na mga halimbawa, ito ay wasto dahil lahat ay sinuri ng mabuti
♔ Kailangan mong sundin ang mga pangunahing kilos na iniuutos ng tagapagturo
♔ Iba-ibang antas ng mga kumplikadong gawain
♔ Ilang layunin na kailangang maabot
♔ Nagbibigay ng babala kung may nagawang mali
♔ Para sa karaniwang maling kilos, may makikita kang palatandaan
♔ Pwede kang makipaglaro sa kompyuter sa kahit anong posisyon ng mga gawain
♔ Maayos na talaan ng nilalaman
♔ Sinusubaybayan din ng programa ang pagbabago sa grado (ELO) ng manlalaro sa pag-aaral
♔ Madaling kaayusan para sa pagsusuri
♔ Pwede mong lagyan ng palatandaan ang mga paborito mong pagsasanay
♔ Ang aplikasyon ay mai-aakma sa malaking iskren ng tablet
♔ Tinitiyak na tao ang sumalin nito sa Filipino at hindi kompyuter
♔ Hindi mo na kailangan ng koneksyon sa internet para sa aplikasyon na ito
♔ Pwede mong i-link ang app sa iyong libreng Chess King at pwedeng magkasabay na sagutan ang isang kurso sa ilang instrumento tulad ng Android, iOS at Web
Ang kurso ay mayroon ding libreng bahagi na kung saan pwede mong suriin ang programa. Gumagana ang lahat ng leksyon sa libreng bahagi. Hinahayaan kang masuri ang aplikasyon bago binibigay ang sumusunod na paksa:
1. Parte 1
1.1. Paghuli sa kabalyero
1.2. Paghuli sa Obispo
1.3. Paghuli sa Tore
1.4. Paghuli sa Reyna
2. Parte 2. Paghuli sa isang piyesa
2.1. Antas 1
2.2. Antas 2
2.3. Antas 3
2.4. Antas 4
Ano ang Bago sa Pinakabagong Bersyon 3.3.2
* Added training mode based on Spaced Repetition - it combines erroneous exercises with new ones and presents the more suitable set of puzzles to solve.
* Added ability to launch tests on bookmarks.
* Added daily goal for puzzles - chose how many exercise you need to keep your skills in shape.
* Added daily streak - how many days in a row the daily goal is completed.
* Various fixes and improvements